MMM Cares, Butuan City Offline and Charity Event | MMM Philippines (April 25, 2015)
Batangas City Charity Event | MMM Philippines (April 24, 2015)
OFFLINE SEMINAR (CUBAO) I MMM-Philippines April 24, 2015
Taganito Offline and Charity Event | MMM Philippines (19 April 2015)
Butuan City Offline Event "Power of 10" | MMM Philippines (18 April 2015)
Offline Event sa Tagbilaran City | MMM Philippines (18 April 2015)
Las Piñas City Offline Event | MMM Philippines (18 April 2015)
Legazpi City Offline Event | MMM Philippines (12 April 2015)
Tacurong City Offline Event | MMM Philippines (11 April 2015)
MMM OFFLINE SEMINAR (ORTIGAS)
OFFLINE EVENT SA BUTUAN | MMM PHILIPPINES (28 MARCH 2015)
Ginanap sa siyudad ng Butuan ang pinaka-unang pagtatanghal ng MMM Philippines sa Probinsya ng Agusan del Norte noong ika-28 ng Marso. Ang kaganapang ito ay umani ng umaapaw na tugon at nilahukan ng 40 mga taga Butuan. Ito ay pinanguluhan ni 100 Manager Charlie Higgins at Manager Robert Flaviano.
Pinangunahan ni Manager Robert ang pagpapaalam sa lahat ng mga kalahok ng tungkol sa Komunidad ng MMM. Tinalakay ang mga benepisyo, kung papaano gumagana ang sistema, tungkol sa ideolohiya ng MMM at nagbigay din ng kanyang sariling pagpapatotoo. Isang video presentation tungkol sa bitcoin ang pinakita din sa mga kalahok.
Marami sa mga nagsidalo ang nagpatala at lumahok matapos ang programa.
OFFLINE EVENT SA CAVITE | MMM PHILIPPINES (28 MARCH 2015)
Isang matagumpay na pagtatanghal ang pinanguluhan ng dalawa sa magagaling na managers ng MMM sa Luzon, Noel Carranza at Geraldine Dayawon, sa Jollibee General Mariano Alvarez (GMA) sa Probinsya ng Cavite noong nakaraang ika-28 ng Marso. Ang GMA ay isang urban municipality sa Probinsya ng Cavite na may tinatayang populasyon na mahigit sa 130,000 ka tao.
Pinangunahan ni Manager Geraldine ang pagtatalakay tungkol sa Komunidad ng MMM, ang mga benepisyong binibigay ng MMM sa mga kalahok nito, papaano gumagana ang sistema, mga patakaran at regulasyon, tungkol sa ideolohiya ng MMM at lahat ng tungkol sa bitcoin. Pinanguluhan naman ni Manager Noel ang pagsagot sa lahat ng mga katanungan ng mga kalahok. Ipinakita din ang aktwal na paggamit ng Personal Office (PO), kung papaano ang pag Provide Help (PH) at papaano ang pag Get Help (GH).
Sa kabuuan, maraming mga dumalo ang nagpatala para sumali sa Komunidad at may mga kahilingan din mula sa mga dumalo na magkaroon ng kaparehong kaganapan sa iba pang mga lugar sa Cavite.
OFFLINE EVENT SA CALAPE BOHOL | MMM PHILIPPINES (30 MARCH 2015)
Ang unang offline event sa Probinsya ng Bohol ay ginanap noong ika-30 ng Marso sa Cultural Center ng Calape. Ito ay tumagal ng mahigit apat (4) na oras at nilahukan ng limampung (50) mga taga-Calape. Ang pagtatanghal na ito ay pinanguluhan ni 100 Manager Maedy Palomares, sa tulong ni Joy Ofamen at Manuel Lupio III.
Sinimulan ang kaganapan ng pagpapanuod ng mga MMM presentation videos at sinundan ng malawakang pagtatalakay tungkol sa MMM Global, paano gumagana ang sistema, at tungkol sa mga patakaran at regulasyon. Isang aktwal na demonstrasyon din kung papaano gamitin ang Personal Office (PO), papaano ang pag Provide Help (PH) at papaano ang pag Get Help (PH) ang ipinakita sa mga kalahok.
Tinalakay din ng malawakan ang lahat ng tungkol sa Bitcoin at ang kaibahan ng MMM Global sa ibang mga online programs gaya ng network marketing, MLM, HYIP at iba pa.
Sa pangkalahatan, ang pagtatanghal ay matagumapay na natapos at marami sa mga dumalo ang naghayag ng interes na lumahok sa Komunidad.
BIG EVENT SA SIYUDAD NG CEBU | MMM PHILIPPINES (29 MARCH 2015)
Noong nakaraang ika-29 ng Marso, naganap ang isang malaking pagtatanghal ng MMM Philippines sa siyudad ng Cebu, ang kabisera at punong lungsod ng Probinsya ng Cebu sa Rehiyon ng Visayas. Ito ay nilahukan ng higit sa 150 na kalahok.
Sinimulan ang programa ng isang video presentation tungkol sa ideolohiya ng MMM. Ito ay sinundan ng pagtatalakay tungkol sa MMM Global ni Manager Rolando Añosa ng Cebu. Pinanguluhan ni 1K Manager Elmer Labinghisa ang talakayan tungkol sa Bitcoin at sinagot ang lahat ng mga katanungan tungkol dito. Isang aktwal na demonstrasyon ng paggamit ng Personal Office (PO), papaano ang pag Provide Help (PH) at papaano ang pag Get Help (GH) ang mahusay na ginampanan ni Manager Juna Tuban ng Cebu.Inihayag din ng iba pang mga managers gaya ni Manager James Po, Manager Michael Manalon at ng iba pang mga MMM liders mula sa Cebu ang kanilang patotoo tungkol sa MMM .
Ang nasabing kaganapan ay napanood din ng maraming kababayan sa buong bansa gamit ang live feed sa Youtube. Maraming mga lumahok ang nagparehistro matapos ang programa at humiling na magkaroon ng din pagtatanghal sa mga kalapit probinsya ng Bohol, Ormoc at Tagbilaran.
OFFLINE EVENT SA SIYUDAD NG GENERAL SANTOS | MMM PHILIPPINES (7 MARCH 2015)
Ang pinaka unang offline event sa siyudad ng General Santos ay ginanap noong ika- 7 ng Marso sa Mc Donald’s Function Room. Ang siyudad ng General Santos (GenSan) ay itinuturing na isang highly urbanized first class city na may nakatalang populasyon na 529,542 mula sa tala ng census noong taong 2014.
It ay pinanguluhan ni Henry Joromat, MMM lider mula sa GenSan. Ang pagtatanghal na ito ay tumagal ng mahigit dalawang (2) oras at nilahukan ng 34 na kalahok. Ito ay umani ng umaapaw na pagtanggap mula sa mga lumahok at labing isa sa mga ito ay nagparehistro agad kalakip ang kabuuang donasyon sa halagang Php 6,600. Ang iba pang mga lumahok na naghayag ng kagustuhang sumali ay kalauna’y tinawagan upang e-follow up.
PAGPUPULONG NG MGA MMM LOKAL LIDERS SA TANDAG CITY | MMM PHILIPPINES